Pages

Sunday, January 26, 2014

Jasmine Lorraine Tan


‘Sa kabila ng lahat’




“Someone na hindi na umaasa sa family nya, someone na sumusuporta na sa family nya, na binabalik na sa parents nya, hopefully kung ano na yung mga nabigay sa kanya”.
 


Sa ganito nailalarawan ni Jasmine Lorraine Tan ang kanyang sarili pagkalipas ng ilang taon. Si Jasmine na syang editor ng Pacesetter, na tinanghal kampyon sa katatapos lamang na 13th Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) na inorganisa ng Association of Tertiary School Paper Advisers in Region III (Atspar-III).
 

Sa tatlong kategorya na kanyang sinalihan Sports writing, Opinion writing at Devcomn writing ay nakamit ni Jasmine ang unang puwesto dahilan upang tanghalin syang Individual Highest Pointer at tawaging ‘monster’ ng isa sa mga hurado.
 

Nabanggit din ng 20 taong gulang na dalaga na sa lahat ng kategorya, ang pagsusulat ng balita tungkol sa Sports ang pinaka hilig nya. “Masaya syang isulat, ma-aksyon, masarap paglaruan yung mga words” dahilan ni Jasmine.
 

Sa una inamin nya na hindi sya makapaniwala dahil sa mga nakaraang kompetisyon ay lagi syang umuuwing talunan. Dahilan upang mag doble kayod ang dalaga sa pag-e-ensayo. 
 “Bawing bawi yung pagkatalo ko simula kinder” biro nya.
 

Ibinahagi ni Jasmine na kinakailangan na may alam ka upang may maisulat ka. “Kahit na gaano ka kagaling magsulat kung wala kang alam, wala ka talagang masusulat”.
 

Dinagdag pa nya na dapat hanapan ng ibang anggulo ang isang balita kung saan alam mo na maiiba ka sa karamihan.
 

Ngunit sa likod ng bawat tagumpay ay nakaranas din ng pagkabigo ang manunulat. “Tatlong beses akong nag-try noong high school tapos hindi din ako natanggap” kwento nya. Pero sa halip na sumuko mas lumalim pa ang pagka-uhaw ni Jasmine na makapasok sa isang publication. “Never think that God’s delays is God’s denials” paniniwala nya.
 

Bukod sa pagiging manunulat ay isa rin si Jasmine sa mga estudyanteng subsob sa pag-aaral dahilan upang maging kandidato sya sa pagiging Cum Laude sa kanilang klase. 

“Kaya ako nag-aaral para sa family ko” ayon sa kanya. Estudyante sa araw editor sa gabe ganito sya ilarawan ng iba.
 

Sa dami ng kanyang responsibilidad nakakadama din ng pagkapagod ang tinaguriang ‘monster’. Pero sa halip na sumuko dinadaan na lamang nya sa pag-iyak kung minsan. 
Ngunit dahil sa suporta at pagmamahal ng mga tao sa paligid nya kinakaya at nalalagpasan nya ito lahat.
 

Si Jasmine ay nasa huling taon na ng kanyang kurso at ilang buwan na lamang ay haharapin na nya ang mas mabigat na responsibilidad sa labas ng unibersidad ngunit sa kabila nito ay iniisip pa din nya ang mga kasamahan sa publication na tinuring na din nyang pamilya.
 

“Nakakalungkot na nakakatakot. Paano kapag inapi-api sila noong mga nasa labas” saad ni Jasmine.Sa kabila nito, sisiguraduhin nya na maipapaunawa nya sa bawat isa na hindi biro ang mga gawain na kanyang maiiwan.
 

“Ibukas sa isip nila kung gaano kasalimuot, kung gaano ka lubak lubak yung dadaanan nila. Kapag hindi sila prepare tutumba sila along the way”. Ngunit ganun pa man kampante at tiwala naman ang editor sa mga taong maiiwan nya.
 

Sa lahat ng hirap, pagod, puyat at kabiguan sa bawat kompetisyon pasasalamat ang nais iparating ng dalaga para sa mga guro na sumuporta at naghubog sa kanilang mga kakayanan.
 

Gayunpaman, hindi lang ito nagsilbing karanasan kundi nagiwan din ito ng aral na kung saan natuto tumuyo ang dalaga sa kanyang pagkadapa at maglakad sa sarili nyang mga paa.

No comments:

Post a Comment